The New Chapter
home profile gallery links favorites content friends friends of archives

August 26th, 2008

Why I'm always having a failed relationship?
POSTED AT 09:59 PM

Oo, aminado ako. Sablay ako sa pagkakaroon ng lablayp. Dati, lagi kong inirarason na We were not just meant for each other. O kaya lagi kong isinisisi ang mali sa kabilang party (meaning, hindi ako ang may kasalanan). Pero kanina, parang narealized ko, may kasalanan rin ako. Parang kung tutuusin nga, most of the time, it's because of me. It's my fault.

Marahil, ito ang mga dahilan...

1. In denial ako sa feelings ko. Hindi ko maamin sa sarili ko na nagkakagusto na ko sa isang tao. Ewan ko. Kadalasan kasi, mismong sa sarili kong nararamdaman, manhid ako. Hindi ko alam kung gusto ko na ba yung tao o hindi. Nalalaman ko na lang na mahalaga pala siya sa akin kapag nawala na siya.

2. Dalagang-Filipina effect. Sobra akong pakipot. Ayaw kong ipinaaalam sa guy na gusto ko na siya. Kapag nagugustuhan ko na yung guy, sobrang nilalayuan ko na. It's either hindi ko na siya kakausapin o kaya minimal na lang. Naiilang kasi ako e. At ayokong ipahalata sa kanya yung ilang feeling na yun kasi baka masense niya na nagkakagusto na ako sa kanya. Naalala ko pa nga sabi sa akin dati ng isang guy sa past ko: "Suplada ka na. Hindi ka na namamansin." O kahit na lang sa trabaho ko ngayon. May isang male nurse kami (hindi si Mcdreamy ha. Doktor si Mcdreamy ko). Ewan ko, alam ko, hindi ko naman siya gusto (haha..parang back to number 1 ang rason nito a). Hindi naman kaguapuhan, pero presentable naman. Nakakatawa rin kasing kausap at saka mahilig manukso. Lagi niya akong tinatanong kung hate ko ba or love ko siya. Hindi siya Pinoy, ok? Sabi ko, hindi pareho. Pero I like him as a brother (echusa!!). Eversince then, naging cold na siya. He would only say Good morning or Hi. Pero wala na yung tukso, wala na yung biro, wala na yung tawanan. Nakakainis kaya. Weird nga e. Hindi ko kasi siya napansin kung anong oras pumasok kaninang umaga. Akalain mo bang tingnan ko pa yung time sheet namin para malaman kung pumasok siya?! OA ha. Hindi ko naman ginagawa yun dati. Keber kung pansinin niya ako or makita ko siya. Ewan. Siguro namimiss ko lang yung asaran namin. And hello... para namang pwede. Bukod nga sa ibang lahi na siya (malamang mahirap yun kasi iba yung customs nila), ito pa ang matindi: ENGAGED na siya. Although napapangiti naman ako kapag naaalala ko na sabi niya, very beautiful raw ako sa ID picture ko (hahaha..ang cheap! kinikilig ako, para talagang highschool!!!). At saka binluetooth niya sa phone niya yung isa kong solo pic sa phone ko na sabi niya maganda rin. Siyempre, haba ng hair ko nung ginawa niya yun kasi naman, bakit of all the nurses dun ay yung picture ko lang yung i-binluetooth niya sa phone niya.. waha. Tama na. Sabi ko nga e, alam ko, hindi ko naman siya gusto. Iniisip ko nga, siguro, siya lang kasi ang nag-iisang male nurse namin. So scarcity talaga, kaya nagkakaganito ako.. hehe

3. Panakip-butas. Sabi nga nila, maghanap agad ng kapalit para madaling kalimutan ang sakit na gawa ni ex. In fairness, totoo naman ito based sa experience ko. Siyempre, matutuon na sa iba yung pansin mo. Imbes na naglulugmok ka dahil iniwanan ka, mada-divert sa iba yung feelings mo. Maaaliw ka. Hindi mo maiisipang umiyak kasi kahit paano, may ibang nagpapangiti sa iyo. Kaso, MALI e. MASAMA MANGGAMIT. Makakarma ka. Hahaha.. Living proof rin ako niyan. Mas sobrang nainlove ako sa guy na ginamit ko lang para makalimutan ang masamang nakaraan. In the end, iniwan rin niya ako. Kaya mas sobrang nadagdagan ng sakit. At saka sabi rin nga ng friend ko sa akin, "Hindi lalake ang sagot para makapagmoved on." Tama naman nga. Ang tamang formula para makapagmoved on: GOD + FAMILY + FRIENDS + making yourself busy.

4. Superficial. Hindi naman ako tumitingin talaga sa labas na kaanyuan, lalo na sa mga kaibigan. Keber kung girl, boy, bakla, tomboy, butiki, baboy, etc. As long as maayos naman akong itinatrato, kakaibiganin ko talaga. Pero sa paghahanap ng ka-lablayp, medyo (medyo lang naman), mapili ako. Hindi ko naman hinihingi na bigyan ako ng super model na bf. Buti kung patulan ako nun..hehe. Kaso, hindi naman yata masama kung meron kang standards na sinusunod (kahit pisikal). Sabi nga ng prof ko nung college: "Taasan na raw ang standards namin. Para kapag may ibinigay sa iyo si God na medyo hindi na-meet yung standards mo, at least pwede mo pang tawaran. Pero hindi naman yung mukhang bagsak-presyo na." Gusto ko lang nga naman, ay yung maayos manamit, mukhang presentable, at mabango (siyempre)! Nagtataka nga ako sa mga kabatch ko nung HS. Ang gaganda nila ha. As in mga muse namin yung mga yun noon, Miss intrams, etc. At ang mga itsura ng bf? Well, no comment na lang. Oo alam ko. NAPAKAsama ko. NAPAKAmapanlait ko. Kaya lang, hindi ko talaga maiwasang isipin yun kapag nakikita ko yung mga pictures nila sa friendster. Siguro yun yung lesson na kailangan kong matutunan. Find the magic from within. Siguro may nakitang special something yung mga magagandang ka-batch ko nung HS sa mga bf nilang yun na hindi ko nakikita.

5. Clingy. Kapag officially, kami na, hindi ko mapigilang maging sobrang attached sa bf ko. Todo-text, todo-call. Kahit mga friends ko minsan, naiirita..haha. Sa kanya lang umiikot mundo ko. Girlscout ako pagdating sa lablayp. Lagi akong handa na iwanan ang lahat para sa kanya. Maski sa duty ko, nawiwindang ako. Lumilipad utak ko. Kaya nga sabi ko sa blog entry ko dito dati, mas maganda siguro ngayon na wala muna akong lablayp. Para at least, nakafocused ako sa career ko na magulo pa hanggang ngayon.

 

To be continued pa ito.. Iisipin ko pa yung iba kong bad traits when it comes into having a relationship, para masolved ko na ang mystery kung bakit failed lagi ang mga supposed-to-be happy endings ko.

Currently watching: Ako si Kim Sam Soon (peyborit!haha)

20 Shared


Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please click here to login.

Post comment as a guest

Your name:

Your email: (will not be posted publicly)

Your website:



Comment posted on August 29th, 2008 at 09:47 PM
at oo, super nakkarelate din ako sa number: 5 :)) wahahhaa
Comment posted on August 29th, 2008 at 09:45 PM
hoy ka.

bat puro ikaw ang may kasalanan??
tadyakan kita dyan marzeh eh. syempre kaya nagkaganyan dahil meron din sya kinontribute. wag mo msyado isipin na ikaw ang mali. dahil mali yun. mas mapepressure ka.

basta ako naniniwala na pag mahal ka talaga ng lalake. dapat magtyaga muna sya. tapos dun ka magbago pag tanggap nia na un mga nega traits mo.


haha pero wag ka msyado makinig sa last kong sinabi dahil remember??? puro failed din relationship ko ehhehhe
Comment posted on August 29th, 2008 at 11:54 PM
e kasi parang pare-parehas yung nangyayari sa mga naging boylets ko e. pare-parehas sila ng timing sa pag-iwan sa akin. kung kailan sobrang hooked na ako sa kanila, saka nila ako nilalaglag.. :(
Comment posted on August 27th, 2008 at 12:02 PM
---Girlscout ako pagdating sa lablayp. Lagi akong handa na iwanan ang lahat para sa kanya.

winner! pampelikula ang banat.. hehehe
Comment posted on August 28th, 2008 at 10:24 PM
siyempre. FEELING celebrity ako e.. hahaha
Comment posted on August 27th, 2008 at 02:57 AM
"Taasan na raw ang standards namin. Para kapag may ibinigay sa iyo si God na medyo hindi na-meet yung standards mo, at least pwede mo pang tawaran. Pero hindi naman yung mukhang bagsak-presyo na." - The best talaga to! hindi ko napigilang matawa ng malakas dito sa office...

Ayaw na ayaw ng karamihan sa mga guys yung #5..
Comment posted on August 29th, 2008 at 01:02 AM
itchy, nabura ko ym message mo. hindi ko nabasa.. hahaha tungeks kasi internet connection dito e.
Comment posted on August 29th, 2008 at 02:58 AM
Ahahaha! sobrang salisi yata talaga schedule natin, hindi pa kita naabutan sa YM eh..hehehe
Comment posted on August 28th, 2008 at 10:32 PM
haha.. promise. sabi talaga yan ng madreng prof namin sa theology. :)

hindi niyo naman siguro kami masisisi di ba kung maging clingy kami? ang nakakainis pa sa inyo, nung hindi namin kayo pinapansin, todo pacute kau sa amin. tapos nung sinagot na namin kau at todo care na kami sa inyo, nasasakal kau. hellooooo.. san ba kami lulugar?!!! (haha.. sobrang affected e)
Comment posted on August 27th, 2008 at 02:39 AM
hmmm... may natutunan ako dito para din sa sarili ko, imperness..

SOBRANG nakarelate ako sa number 5, bwahahahahaha! kainis.
Comment posted on August 28th, 2008 at 10:39 PM
nakakatouched naman =)may natutunan ka sa mga kaartehan at kadramahan ko sa buhay.. hehe

nakakainis talaga maging clingy. kaso i can't help it. e sa concerned lang naman ako e. masama ba yun? hay. mga lalake talaga. gulo ng utak...
Comment posted on August 26th, 2008 at 10:12 PM
heto na naman tayo sa lablayb na yan. Hahaha. Hahaha. Lablayb and kim sam soon
Comment posted on August 26th, 2008 at 10:15 PM
yan kasi ang wala ako hanggang ngayon.. hehehe
Comment posted on August 26th, 2008 at 10:17 PM
hmmmm.lab ng family mo, ng mga friends.yan nalang muna ang damhin mo. darating din yan. haste makes waste
Comment posted on August 26th, 2008 at 10:50 PM
i-minus mo yung friends kasi wala naman talaga akong masyadong friends dito.. huhuhu

yup. marami akong friends sa Phil pero busy-busyhan na rin kasi lahat ngaun :(
Comment posted on August 26th, 2008 at 11:01 PM
hmmm.then make friends. hmmm.damihan mo yung kaibigan mo diyan. wehehehe
Comment posted on August 26th, 2008 at 11:09 PM
mahirap maghanap ng friends dito e. hosp-bahay lang ang routine ko. hay, narealized ko tuloy.. hindi lang love life ang wala ako. pati pala social life! waaaaaaaaahhhh

pero sige. itatawa ko na lang ito. gaya ng sabi mo sa entry mo :)
Comment posted on August 26th, 2008 at 11:12 PM
Hahaha..oo naman. tsaka makakahanap ka naman eh kung gustuhin mo lang. ximpre marami namang pilipino jan diba?
Comment posted on August 26th, 2008 at 11:21 PM
sa workplace ko, ako lang pinoy e. 10 hours duty ko a day. tapos uwi na, tulog, kain, tv, net. wala naman akong nami-meet na Pinoy na ka-age ko. meron si savvychic (kilala mo siya di ba?) kaso busy rin sa work.

the only chance i get to go out is when I have Friday off. And guess who kung sinong kasama ko? Parents! haha.. gosh. I'm still so dependent. kamusta naman. mag-tu-22 na ko...
Comment posted on August 26th, 2008 at 11:25 PM
hahaha.eh ok lang yan eh...basta you get to enjoy your job.

hmmmm...anjan pala parents mo. ako naman, maraming kaibigan. pero I chose to stay at the apartment. kasi nga yung perang magagastos ko, ipapadala ko na lang sa bahay. so yun...pag uwi ng bahay, nakaupo sa harap ng computer, nood ng dalawang movie everyday minsan isa lang, tapos sleep.

eh yung bestfriend ko na nandito din, kung siya ang magyaya, siya palagi ang taya. Hahaha.

cutiemax25
your name:

url:

your message: